DOTA, Mobile Legends isasama na ba sa Palarong Pambansa?
DOTA, Mobile Legends isasama na ba sa Palarong Pambansa?
Sa dami ng mga Pilipinong nahuhumaling sa online games ngayon, hindi nakakagulat na itinuturing na ito bilang isang tunay na isport na kung tawagin ay e-sports.
Loading...
Sa katunayan, kasama na ang ilang online games sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas bilang medal sports.
Ngunit sa kabila nito, handa na ba ang Department of Education na buksan ang Palarong Pambansa para sa mga atletang nakapokus sa online games?
Ayon kay Palarong Pambansa 2019 Secretary General at DepEd Undersecretary Revsee Escobedo, marami pang laro mula sa SEA Games ang balak pa lang ipasok sa patimpalak gaya ng demo sports pero hindi pa ang online games.
Dagdag pa ni Escobedo, prayoridad ng Palaro Board ang mga larong makapagpapalakas at pabuti sa motor at physical skills ng mga batang manlalaro.
Nilinaw naman ng opisyal na wala silang negatibo o positibong obserbasyon sa online games, pero nais nilang maging balanse at pag-aralan pa ang benepisyo nito sa mga estudyante.
SOURCE: ABS-CBN NEWS
Loading...
No comments: